PhilStar - Sangkaterbang mayayamang mga taga-Davao City ang dumagsa sa location shooting ng Hollywood film na I Come With The Rain na kung saan, bida ang Hollywood actor na si Josh Hartnett at kasama naman sa cast ang napakaseksing Pinay actress na si Thea Aquino.Isa lang masasabi ko... Mas swerte ako kay sa Thea na yan, dahil may schedule ako to interview Josh Hartnett after the shooting... in my dreams. Wehehehe...
Mga miyembro ng alta de sociedad ng Davao ang nagpupumilit na ma ipakilala o ma-meet ng per sonal si Josh, maski mga anak ng mga pulitiko roon at mga may katungkulan ay nagnanasang makadaupang-palad ang aktor. Pero lahat sila ay luhaan, hindi man lang sila maka-first-base kay Josh.
Buti pa ang isang babaeng Pinay, kabiruan ni Josh sa set. Panay ang tawanan nila everytime na may break sa shooting.
At ease raw si Josh kay Thea. Si Thea naman, super-poise ang beauty kunwari, pero deep inside her, halos himatayin siya sa tuwing makikipagbiruan si Josh sa kanya.
Nasa kontrata na bawal makipag-usap si Josh sa media at sa mga bumibisita sa shooting. Siyempre, for security reasons yun.
Maski nga networks ay hindi maka-entra to interview Josh. Tanging nakakausap lang ni Josh ay yung mga kasamahan niyang artista sa shoot ing at yung mga taong nasa production, staff and crew. Suwerte talaga ni Thea.
Movie, music and TV review.
Powered by Blogger.