Bea Alonzo welcomes Angel Locsin's ABS-CBN entry

Nang makumpirma ang paglipat ng dating prized star ng GMA-7 na si Angel Locsin sa bakuran ng ABS CBN, si Bea Alonzo ang isa sa mga artista ng Kapamilya Network na hinuhulaang maaapektuhan sa napipintong pag-o-ober da bakod ni Angel.

Bea Alonzo at Angel Locsin—dalawa sa pinakasikat na batang artista ng kanilang panahon. Kaya, sabi-sabi, malaki ang posibilidad na ang mga proyektong dapat ay kay Bea ay mapunta kay Angel sa bandang huli.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Bea noong July 29, sa ASAP '07. Hiningi namin ang reaksiyon niya sa pagiging Kapamilya ni Angel.

"Hindi ko pa siya nakikilala ng personal, but I think mabait naman siyang tao," panimula ni Bea. "I don't think na dapat sabihin na hindi niya deserve kung anuman ang nakukuha niya. I think she deserves what she's getting right now.

"I believe na kung iyon ang para sa kanya, iyon ang para sa kanya. Kung ano ang para sa akin, iyon ang para sa akin. Hindi ako nai-insecure because ako, I'm very passionate about my craft. I love my craft and I'm very passionate on it.

"Hindi ako nakikipag-kumpitensiya kahit na kanino. Kung makikipag-kumpitensiya man ako, sa sarili ko and not to anyone," dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Bea na homegrown talent ng ABS-CBN, "For me kasi, dapat pa ngang i-welcome kung may mga Kapamilya na darating." - PEP

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates