Sandara, Bids Goodbye to his Hero (Angeles)

Final na kaya ito? o baka nagsawa lang si Sandara Park dito sa Pinas at kaya lang bumalik sa Korea dahil na-miss niya ang buhay doon? Well, ano man ang gagawin ni Sandy basta masaya siya walang problema... mukha nga sigurong hindi na siya masaya dito sa pinas dahil medyo madalang nalang ang mga projects niya.

Pero kahit papunta na siyang Korea
Nagawa pa ni Sandara na magbigay ng kanyang mensahe sa kanyang original ka-loveteam at ka-batch sa Star Circle Quest na si Hero Angeles, na nakalagay sa una sa dalawang K-txt niya bago dumating ng airport:

"To my Hero. Hi! How are you? Congrats sa indie film na ginawa mo. Sold out ha! Pag gagawa ka ulit ng movie, you can ask me anytime kung kailangan mo ang magandang leading lady o role na multo.

"Ang daming nangyari sa ating dalawa. Sabay tayo sumikat, sabay tayo tumawa, sabay tayo nagpuyat, sabay tayo naghirap. And now, kahit naging strangers na tayo, you'll always be my first leading man and guwapong partner. We are so lucky to have them, HeroSan supporters, na hanggang ngayon ay nandiyan pa and still waiting for us to come back. So lets' be happy and thank them for the love na ibinigay nila sa atin. Sobra!

"I'll miss you, kahit nung minsan ikaw ang pinaka-hate kong tao sa buong mundo. Minahal pa rin kita! Ikaw? Minahal mo ba ako? Good luck sa ating dalawa kung saan man tayo at kung ano man gagawin natin. Aja! Ur baby, Sandara."

Ikalawang K-txt naman ni Sandara ay ang pagpapasalamat sa mga kaibigang nakaalalang bigyan siya ng farewell dinner at sa mga fans na patuloy pa ring sumusuporta sa kanya. Kasabay ang pangakong one of these days ay babalik pa rin siya sa Pilipinas.

"Papunta na kami airport ngayon! Thank you kagabi sa mga friends ko na dumating for me! Melisa, roxan, joros, mic, aiza, kitkat, jake, and my non-showbiz true friends, na-touch ako sobra! Sa sobrang saya ko, ayoko na umalis! Kaya lang, sayang nga ‘yung plane ticket, di ba?

"Tama kayo, I won't say goodbye dahil hindi naman ito goodbye! It's just... See you again! Vacation muna ako! Mas maganda na ako pagbalik ko! Kain tayo pagbalik ko. Ol ako bukas ha, sa internet shop muna ako kasi malamang wala pang Internet sa bahay. Thank you sa inyong lahat! I'll miss you my friends... Mahal nyo ako? Mahal ko rin kayo!"
Tungkol kay Hero naman, indie film na pala siya ngayon ha... isipin nyo nanggaling sa malaking company pero ngayon hanggang indie films nalang ang beauty niya... kung sa bagay, tagahanga ako ng mga indie films and I rather watch indie films than those nakakasawang films dyan na parang pabalik-balik lang ang mga istorya at mga scenes na makikita mo...

Okay... Good luck to Sandara nalang...

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates