Angelika dela Cruz joins cast of ABS-CBN soap "Ysabella"

PEP (Philippine Entertainment Portal) - Malaki ang ipinayat ng katawan ng young actress na si Angelika dela Cruz nang makita siya ng PEP lobby ng old ABS-CBN building kahapon, August 1. Katatapos lang mag-guest ni Angelika sa morning show nina Boy Abunda and Kris Aquino sa ABS-CBN, Boy & Kris.

"Nagta-Thai boxing ako," paliwanag ni Angelika nang pansinin namin ang kanyang katawan.

Sa pagsalita ni Angelika ay napansin din agad namin ang brace na nakapasok sa loob ng bibig niya. Tinanong namin kung para saan ‘yon.

"Nagpa-TMJ [temporomandibular joints] brace ako. May TMJ disorder kasi ako. Super dami na ang ganyang case," sabi ni Angelika.

Ayon sa Medline Plus, ang TMJ ay ang joints na nagkokonekta sa lower jaw natin sa ating skull.

Hindi kaya dahil sa kanyang brace, pumapayat siya?

"Hindi naman," sagot niya. "Although kailangan mo pa siyang alisin para makakain ka talaga nang husto. Kaya most of the time, konti na lang din ang kinakain ko.

May isang buwan na raw niyang suot-suot ang TMJ brace niya. Pero sana raw bago siya magsimula ng bago niyang show sa ABS-CBN ay matanggal na ito.

"Pero kahit naman nagte-taping ako, puwede ko naman siyang tanggalin," dagdag niya.

Masayang ibinalita ni Angelika sa PEP na papasok siya sa soap opera ng ABS-CBN na Ysabella.

"Ipapasok ‘yung charcter ko sa show. Ang role ko rito ‘yung parang tulad sa ginawa ko doon sa soap nina Echo [Jericho Rosales] at Tintin [Kristine Hermosa], ‘yung Sana'y Wala Nang Wakas, na masayahin, kikay. Parang ganun.

"Baka next week na ako mag-start ng taping. Excited na nga po ako to start and work again with Ate Juday [Judy Ann Santos]. Huli kasi kaming nagkasama nung Esperanza pa," masayang pahayag ni Angelika.

Bukod sa Ysabella, may Sine Serye rin na nakatakdang umpisahan ni Angelika, pero nakiusap siya na huwag munang isulat.
Medyo matagal na nga na hindi ko nakita si Angelica sa TV ha... at ngayon babalik pero hindi na bilang isang kontrabidang si Laviña, masayahin ang role niya dito at medyo kikay... Pero mas gusto ko siyang gumanap ng kontrabida this time with Judy Ann Santos naman.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates