Movie, music and TV review.

Powered by Blogger.
Header Ads

Thursday, August 02, 2007

Joyce Bernal reveals challenges in directing Marimar's talking dog

0 comments
"Mahirap palang magdirek ng aso. Mas mahirap pa kesa pasaway na artista," nagbibirong wika ni Direk Joyce Bernal nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday dinner para kay Ethel Ramos sa Florabel Restaurant sa Podium, kagabi, August 1.

Ang tinutukoy ni Direk Joyce ay ang pagdidirek niya ng Pinoy version ng Mexican telenovela na Marimar, na pinangungunahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Madalas kasing ang kaeksena ni Marian ay ang alaga nitong si Fulgoso, voiced-over by Michael V.

Ang gumaganap na Fulgoso ay ang golden retriever na si Nigel, na nanalo sa contest na ginawa sa SiS. Sina Direk Joyce, Lolit, at Danny Tan—na pare-parehong mahihilig sa aso—ang nag-judge.

Mahal ba ang talent fee ni Nigel?

"Talo ang talent fee ng isa pa lamang sumisikat na artista sa talent fee ni Nigel per taping day!" sagot ni Direk Joyce. "Bukod kasi sa trainor niya, may yaya rin siyang kasama sa set. May sarili rin siyang sasakyan dahil hindi naman siya puwedeng isali sa sasakyan ng mga artista. Saka may kasama pa siyang dalawang aso, isang one-month old na golden retriever din bilang si baby Fulgoso at isa pang aso na alaga naman ni Angelica [Katrina Halili] sa story.

At tuluy-tuloy ang masayang kuwento ni Direk Joyce:

"Sa simula ng shooting, ayaw niyang mag-respond kapag tinawag siyang Fulgoso. Kaya binilinan ko ang lahat ng tao sa set na walang tatawag sa tunay na pangalan niyang Nigel kundi Fulgoso lang.

"Kinailangan din siyang i-train muna na laging kasama ni Marian. Pero kahit trained dog na siya, nahirapan din si Marian dahil sa laki niya. Hindi maiwasan na nakakalmot pa rin niya si Marian kapag naglalakad sila at gusto nitong makipaglaro.

"Hindi ko rin siya basta-basta mai-shoot dahil kailangan muna siyang hayaang kumain at matulog. Si Michael V. ang magiging boses ni Fulgoso, hindi ko pa alam kung sino ang magiging boses nung isa pang aso, dahil mag-uusap sila ni Fulgoso."

Ayon pa kay Direk Joyce, ten weeks daw silang magsu-shooting sa San Antonio, Zambales.

"Halos lahat ng cast ay nasa location, except for Richard Gomez na gaganap na father ni Dingdong. Napakaganda ni Marian at napakabait ng kamera sa kanya. Napakahusay pala niyang umarte. Hindi niya kayo bibiguin kapag napanood na ninyo ang Marimar," masayang pahayag ni Direk Joyce.

Natapos na raw nilang kunan ang pilot episode ng Marimar. Si Direk Joyce din ang nag-edit. Marimar ang ipapalit sa magtatapos nang Lupin ni Richard Gutierrez.


Hay naku, baka naman gagawin nilang parang cartoon network ang galaw ng aso dito ha... Anyway, Michael V as Fulgoso's voice? tiyak magaling ito... aabangan ko ito...

No comments: