Boy Abunda confirms new show with Kris Aquino: Boy & Kris

Nagpatawag ng ilang entertainment press si Kuya Boy sa taping ng Homeboy last Tuesday, June 12, para linawin ang mga isyu tungkol sa napabalitang bagong show nila ni Kris sa Kapamilya Network.

Itinanggi ni Kuya Boy ang kumakalat na balita na kaya raw papalitan ng Boy & Kris ang Homeboy ay dahil tinalo na diumano sila ng katapat na programa sa kabilang istasyon, ang SIS sa GMA-7.

"Basically, I want to save friendship. I don't want to lose Ruffa [Gutierrez] on The Buzz. I don't want to lose Cristy [Fermin]. I don't want to lose my tandem with Kris. That's the reason," paliwanag ni Kuya Boy.

It's true na ayaw nang bumalik ni Kris sa The Buzz. Totoo rin na isa sa mga dahilan ng hindi na niya pagbabalik sa show ay si Cristy. Malinaw sa huling edisyon ng K magazine ni Kris ang dahilan kung bakit ayaw na niyang makatrabaho ang batikang koluminsta at TV host.

Labis daw nasaktan si Kris sa mga isinulat ni Cristy tungkol sa mister ni Kris na si James Yap at kay Hope Centeno.

Isasakripisyo ni Kuya Boy ang kanyang solo talk show na Homeboy. Isasantabi raw niya ang kanyang show na labis na napamahal sa kanya alang-alang sa pagkakaibigan. Excited din si Kuya Boy sa bago nilang show ni Kris dahil dito mapapanood muli ang batuhan nila ng opinyon.


Akala ko ba mga artista hasa na sa pagiging plastic, bakit di nalang makipag plastikan si Kris kay Cristy at magpatuloy si Kris sa The Buzz? Besides di naman siguro kailangan ni Kris ang maraming show dahil mayaman naman ito.

Anyway, talo pala sa rating ang Homeboy ng SIS? Ano ba talaga ang totoo? Sa kabila sabi mas malakas ang Homeboy kay sa SIS, bakit ngayon baliktad ang isyu? Hmmm… siguradong may nagsisinungaling sa dalawang network, Kapamilya at Kapuso AMININ!!!

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates