Angel Locsin and Marvin Agustin, Sila Na Ba Talaga?

"Kung siya ba talaga ang para sa akin, hindi naman natin mapipigilan 'yon," sagot niya. "Kung kami talaga ang para sa isa't isa, di ba? Akala ko nga noong una, binibiro-biro lang ako ng mga tao sa mga tanong nila sa akin about Marvin.

"Sa ngayon," patuloy niya, "ang masasabi ko lang, magkaibigan pa lang kami. Hindi ko pa rin alam o masasabi kung nanliligaw na nga ba siyang talaga. He has ways in expressing to me how it is to be a friend. Kaya nabalita na 'yong inasikaso niya ako noong mag-birthday ako in Boracay, talagang aligaga siya. Nagtataka nga ako noon.

"And now, yes, we go out. Totoong nag-dinner kami together. And yes, naipakilala na namin ang isa't isa sa mga parents namin," pag-amin ni Angel.


Bagay nga ba silang dalawa at sila ang nili-link ng mga tao? I think not, para sa akin, kuya ni Angel si Marvin, pero ika nga ni Angel - "Kung siya ba talaga ang para sa akin, hindi naman natin mapipigilan 'yon," kaya possible na pwede maging sila.

Sa akin lang, bakit hindi nagtatagal ang mga ka-relasyon ni Angel sa kanya? Hmm… alamin natin yan sa susunod.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates