
“Kung makikipagrelas-yon ako, bakit sa professor ko pa sa college? Wala pong katotohanan ‘yun,” gulat na pahayag ni Wendy sa kanyang interview.
“Nakikiusap pa nga ako sa profs ko nu'ng nag-aaral pa ako na ipasa ako, eh, dahil sa absences ko sa mga shoot ko or pictorials,” dagdag nito.
Ayon kay Wendy, wala siyang kilalang gano'ng pangalan na nagkakalat ng maling info sa kanya — at sa palagay niya'y may naninira lang talaga sa kanya.
Ang isa pang pinasabog sa e-mail ay ang pagkakaroon din daw niya diumano ng isang Japanese DOM na nagbigay sa kanya ng million peso upang makapag-enrol muli sa FEU no'ng 2003.
“Eight years akong pabalik-balik sa college dahil talagang may financial problem ang family ko. Nag-aral, nag-stop dahil kailangan kong magtrabaho, aral ulit, stop uli... Alam naman ng lahat ‘yun. Hindi totoo ‘yung sinasabi nilang DOM!” pagtutuwid ni Wendy.
Inamin naman ni Wendy na totoong nag-Japan ito upang magtrabaho as entertainer na kumakanta, dahil may talent naman talaga ito in singing (na maganda ang boses, sa totoo lang).
Hakimoto Ikita pa nga raw, ayon pa rin sa email, ang pangalan ng sinasa-bing Japanese DOM ni Wendy, na 62 years old.
“Hindi na ako naaapektuhan sa mga ganyang tsismis. Kung hindi ka mali-link sa politician, sa DOM.
“Ang masasabi ko lang, kung may million pesos na ako, hindi na sana kami naka-tira sa maliit na bahay. Lumipat na sana kami at nagpatayo ng bagong bahay, di ba?” mariiing banggit ni Wendy.
Pinasok ni Wendy ang showbiz, after being Bb. Pi-lipinas-Tourism winner, so, siguro naman ay nakahanda siya sa mga ganitong intriga at kontrobersiya.