
Noong pumasok si Uma sa PBB house, sabi niya papasok siya para guluhin at pag-away-awayin ang mga housemates.
Kagabi, ng tinanong ni Big Brother harap-harapan isa-isa ang pitong natitirang housemate kung sino sa kanila ang tatlong di dapat kasama sa big night at bakit. Yun nga! tagumpay si Uma at mukhang nagkagulo talaga sa bahay ni kuya sa mga oras na iyun, dahil nag labasan ang tunay na mga hinaing ng bawat housemate sa isa't-isa.
Ang sobrang naaapektuhan ay sina Beatriz at Wendy at si Gee-Ann. Si Bodie din ay napaiyak sa comment tungkol sa kanya. Pagkatapos nang mga tagpong iyon parang nagkakabuklod na ng dalawang grupo ang mga housemates. Sa kabilang grupo ay ang tinaguriang Love triangle na Bruce-Wendy-Nel, sa kabila ay Micky, Gee-ann, Beatriz and Bodie.
Pero para sa akin ayaw ko kay Bruce and Wendy na aabot hanggang sa Big Night. Si Bruce, parang umiikot sa mundo niya este bahay ni kuya ay si Wendy lang habang ito namang si Wendy parang sa tingin niya she has nothing to lose naman eh dahil natanggal na nga siya dati at naibalik lang, kaya wala siyang paki-alam, basta masaya lang daw siya sa ginagawa niya sa loob then no problem.
I am eyeing to be on the Big Night at "The Big Dome" for Micky, Gee-Ann, Nel and Beatriz and sana ang magiging big Winner ay si Micky dahil siya lang sa lahat ng mga housemates ang nakikita kung totoo at hindi nakipag-plastikan (I hope).