Sharon Cuneta and Annabelle Rama ay may tampo sa GMA

Kahapon sa Sharon TV talk show inilahad nina Sharon Cuneta at Annabelle Rama ang tampo sa mga taga GMA na nagpapalakad ng Dingdong Dantes and Marian Rivera Birthday show. Disappointed si Mega Star Sharon dahil bakit hindi sinuportahan ng mga taga GMA ang pilikula ng anak niyang si KC Conception at Richard Gutierrez. Dahil kahit sa Star Cinema ang film na ito ay kasunduan naman ng dalawang network na ipapahiram nila si Richard Gutierrez para sa Pelikulang "For the First Time" in return na hihiramin din nga GMA Films ang ABS-CBN star na si KC Conception para gumawa ng Pelikula under GMA Films.

Ganun din ang hinanakit ni Annabelle Rama sa GMA, dahil bakit itatapat ang Show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa opening day ng "For the First Time" movie. Bakit daw di ginawang August 12, 13, 14, 15, dahil masyadong late na daw para mag celebrate ng Birthday ang dalawang artista ng GMA. Sinabi pa ni Annabelle na sa GMA daw ipinag-aaway nila ang mga alaga nilang artista doon. Sabi rin ni Sharon na sa ABS-CBN ay iba, "kung si Piolo Pascual, si Piolo muna, kung si John Lloyd, si John Lloyd muna". Hindi pinag sabay-sabay ang parehong leading actor para mag kumpetensya. Hindi katulad sa GMA na parang pinagsabong daw ang mga artista.

Kaya sa dulo ng usapan, sinabi nalang ni Annabelle na hindi na niya aawayin ang mga nagpasimuno sa tumapat na show sa openning ng pilikula ng anak niya, dahil yung mga ina-away niya ay sumisikat.

Parang nagpaparinig yata si Annabelle na gusto na niyang ilipat ng network ang anak niyang si Richard sa GMA. Hmmmm... tingnan natin kung susunod nga ba si Richard Gutierrez kay Angel Locsin sa ABS-CBN at iwanan ang network na nagpalaki sa kanyang career. Pero sa ngayon, di pa yun mangyayari dahil under contract pa rin si Richard Gutierrez sa GMA. Aabangan nalang natin yan kung mangyayariba ang mga haka-haka natin.

1 comment:

daniel said...

Cool blog. Please, trade link with me, check it out at http://free-musicblog.blogspot.com/

INSTAGRAM FEED

@soratemplates