Movie, music and TV review.

Powered by Blogger.
Header Ads

Saturday, December 01, 2007

Ryan avoids talking about his reconciliation with Piolo Pascual

0 comments

Nang kumpirmahin ni Piolo Pascual sa nakaraang guesting niya sa The Buzz ang tungkol sa pagkakabati nila nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, napatunayan muli that time heals all wounds at wala talagang permanenteng kaibigan at kaaway sa mundo ng showbiz.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga malinaw ang pinag-ugatan ng galit nina Ryan at Juday kay Piolo, pero sa aksidente nilang pagkikita sa burol ng ama ni Maja Salvador na si Ross Rival noong November 19 ay natuldukan na rin ang matagal nang isyu na pinag-usapan at inabangan ng marami.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment) kay Ryan kahapon, November 29, sa presscon ng movie nila ni Juday na Sakal, Sakali, Saklolo sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound, anumang pilit namin sa actor-TV host na magbigay ng kahit kaunting pahayag kaugnay ng pagkikita nila ni Piolo ay hindi talaga siya nagsalita.

"Ganito na lang, maganda yung nangyari, nagkaayos. Further words may spoil the happiness na nakuha namin, so hayaan na lang natin na sabihin naming tapos na yung problema. Naayos na, napag-usapan na, and now we're moving on. Yun na lang siguro," pahayag niya.

Sa interview kay Piolo sa The Buzz ay nabanggit niya na silang dalawa ni Ryan ang nag-initiate ng pagbabati nila. Nang kumpirmahin naman kay Ryan kung totoo ang sinabi ni Piolo, safe pa rin ang isinagot niya sa amin.

"No, wala akong reaksiyon tungkol diyan," pag-iwas niya. "Just like I've said, no further words to be said. With all due respect to everyone here, mas kaunting masasabi, mas maganda. I-enjoy na lang naman yung nagkaayos-ayos na."

Sa kabila ng pag-iwas ni Ryan na magbigay ng anumang detalye, aminado naman siya na para itong tinik na na matagal nang nakabaon sa kanyang dibdib na nabunot nang dahil sa pagkakaayos na ito.

"Wala namang away na maganda and we're just happy na tapos na," sambit ni Ryan.

Mamayang gabi, November 30, ay 10th anniversary concert ni Piolo sa Araneta Coliseum. Ipinaliwanag naman nang maayos ni Ryan kung bakit hindi sila dadalo ni Juday bagama't nagkaayos na nga sila.

"Let's let him have the day. Anibersaryo niya ‘yon, napaka-importanteng araw na ‘yon—celebrating his 10th successful year in the industry—ibigay natin ‘yon sa kanya," sabi niya.

Hindi naman maikakaila na isa sa pinakamainit na tambalan noon ang kina Juday at Piolo. Kung saka-sakali ba ay papayag si Ryan na magsama silang tatlo sa isang pelikula o TV project?

"Saka na lang pag-usapan ‘yan pag may offer na," sabi niya. "Yung ganyang mga speculations, yung mga maaaring sabihin ko pa may spoil the fun. Masaya ang nangyari, huwag nating haluan ng intriga at komersiyo."

GAY ROLE. Balita rin na tinanggihan ni Ryan ang gay role sa pelikula na dapat sana ay pagsasamahan nila nina Vilma Santos at John Lloyd Cruz. Ayon sa bali-balita ay hindi raw kasi kumbinsido sa aktor na maging support lang sa tatakbuhin ng istorya, bagay na agad naming nilinaw ni Ryan.

"Actually, walang tangging nangyari kasi wala pang pormal na papel na naihain," paliwanag niya. "Usap-usapan pa lang naman, we haven't seen the script yet and ang naging problema lang naman initially was schedule. Siyempre ang masusunod yung sked ni Gov. Vi, di ba? They said the first shooting is November this year, I was finishing Sakal, Sakali, Saklolo. Hopefully early next year, when the schedule is clear.

"Walang tanggi, walang no na nangyari kasi wala rin namang naihain nang pormal. Kinausap lang ako ni Tita Malou [Santos, supervising producer of Star Cinema], ‘Are you willing to do this? Are you willing to do a gay role?' Okay! Sa schedule, dun na nagkalabo-labo.

"Hopefully, ma-bring up uli na hindi pa napupunta sa ibang aktor yung role para puwedeng mapag-usapan. The chance to work with Direk Olive [Lamasan] and Governor Vi... My mom is a Vilmanian, pareho kasi silang birthday [November 3], as in year and day.

"Regarding sa pagiging supporting, e, talaga namang magsu-supprt ako sa dalawang ‘yon [Vilma and John Lloyd], bakit hindi? I consulted nga Direk Rory [Quintos] of Ysabella. Sabi niya, ‘Tanggapin mo.' Why? Because lahat ng mga aktor na alam niya magkakandarapa just to be in that movie. It's such a milestone, very flattering," lahad ni Ryan.

FATHER RYAN? Isa ring hindi mamatay-matay na issue kay Ryan ay ang pagkakaroon daw niya ng hindi lang isa kundi tatlong anak. Pinabulaanan naman agad ito ng aktor by giving an assurance na kung talagang may anak siya ay paninidigan niya ito at hindi tatalikuran ang kanyang responsiblidad.

"Wala pa kasing lumapit sa akin na nagsabi na ‘Anak mo ito.' What kind of woman will come up to you and say this is your child? So siyempre, it's somebody, first and foremost, somebody you're intimate with. But you have to think, how old is this child? You have to be realistic, how long ago was the relationship?" pag-aanalisa niya.

"Kung may posibilidad, let's talk about it. But I haven't experienced na may lumapit sa akin. Kung mayroon and I proved na akin, why not? A child is a child. Hindi naman niya kasalanan na ginawa siya at lumabas sa mundo.

"Lukso ng dugo? Hindi pa ako naluluksuhan ng dugo. Nakikita ko sa TV, yung lumukso yung dugo nung nakita nila... I mean, if I experience something like that, I guess that's a very powerful experience and having a child really is not a bad thing," paliwanag ni Ryan. - Philippine Entertainment Portal

No comments: