Si Gina ang nanalo sa Best Drama Performance by an Actress category ng Asian TV Awards (ATA) para sa performance niya sa "Rehas" episode ng Maalaala Mo Kaya.
Madaling-araw nang makatanggap ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kay Gina na tuwang-tuwa sa bagong international award na natanggap niya.
Ilang linggo bago siya nagpunta sa Singapore, malakas ang kutob ni Gina na malaki ang kanyang pag-asa na manalo dahil panay ang paalala sa ABS-CBN executives ng organizer ng ATA na kailangang dumalo ang aktres sa awards night.
Inimbitahan din si Gina na maging award presenter dahil nalaman ng mga organizer na international best-actress awardee siya.
Tumanggap din ng parangal sa ATA ang Bandila ng ABS-CBN at Reporter's Notebook ng GMA-7. Ang Bandila ang nagwaging Best News Program para sa coverage nila ng "Subic Rape Case Promulgation." Best Current Affairs Program naman ang Reporter's Notebook para sa kanilang episode na "Giyera sa Lebanon."
Maraming nominasyon sa ATA ang iba't ibang programa ng ABS-CBN at GMA-7, pero tanging si Gina, ang Bandila at Reporter's Notebook ang pinalad na magwagi. - Philippine Entertainment Portal
Movie, music and TV review.
Powered by Blogger.