Rufa Mae Quinto, pudpud sa mga Intriga ngayon.

Naiintriga si Rufa Mae ngayon na on the verge of breakup na raw ang relasyon nila ni Erik Santos.

Ayon sa tsismis, may pinagseselosan daw kasi ang boyfriend ni Rufa Mae. Hindi kaya si Mark Herras and pinagseselosan ni Erik, dahil sa na tsismis din ito na nag halikan daw si Rufa Mae at Mark sa backstage ng studio sa Bubble Gang show? Balita pang umiyak pa ang singer dahil sa sama ng loob.

Nawarningan din ito ng MTRCB dahil sa nakapagmura raw siya nang hagisan siya ng ipis sa isang segment ng show na HP Ibang Level Na! Sa takot niya raw sa insekto, nakapagbitiw siya ng hindi magandang salita. "Hinagisan ako pumasok dito, e, [sa dibdib]. Ipis ‘yon kaya ginanun-ganun ko [pinagpag], siyempre naman. Ba't ikaw di mo gagawin ‘yon? Ipis ‘yon, e,!" kuwento ni Rufa Mae. Makalipas naman ang ilang araw, isang intriga rin ang ibinato sa kanya nang masira ang kanyang damit sa isang sexy dance number niya sa SOP noong June 3. Birthday presentation pa naman niya ito. Nag-sorry naman daw agad si Rufa Mae sa MTRCB.

At meron pa, ang walang kamatayang issue ni Gretchen and John kissing photo na nangyari sa birthday party niya noong May 27 sa kanyang bahay, kung saan guest sina John Estrada at Gretchen Barretto.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates