Marjorie Barretto linked with Caloocan Mayor Recom Echiverri? - 'I feel insulted!'

PEP - "It was one of the loneliest days in my life," sabi ni Marjorie Barretto habang ikinuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang araw niya kahapon, May 26. Hindi niya raw alam ang gagawin niya dahil paggising niya sa umaga, wala nang kampanya at bilangan, at maaaring wala na rin ang asawang si Dennis Padilla sa tabi niya.

Naging mailap naman si Marjorie sa mga tanong tungkol sa paghihiwalay nila ng asawa. Ayon sa bagong konsehala ng Caloocan, wala na raw siyang puwedeng sabihin pa tungkol sa pakikipaghiwalay niya.

"I feel insulted!" ang bulalas niya nang tanungin tungkol sa pagkaka-link niya sa re-elected Caloocan City Mayor Recom Echiverri. "Motorcade nga kami bukas, hindi ko alam kung paano ako sasama, sobra akong nahihiya sa kanya."

Ayon kay Marjorie, hindi raw totoo na ang pagkaka-link kay Mayor Echiverri ang rason kung bakit naghiwalay sila ng kanyang asawa. Black propaganda lang daw ito laban sa kanya.

"If I was having an affair, do you think my husband will stand by my side? Please, let's give my husband the respect he deserves," sabi niya.

Hindi pa rin nagdetalye si Marjorie tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

"I have kids and I think its more than enough reason kung bakit ayaw ko nang magsalita. Mahal namin ni Dennis ang mga anak namin at hindi kami magsisiraan sa publiko," aniya.

Pinabulaanan pa ni Marjorie na sa dating campaign headquarters na lang natutulog si Dennis.

"Hindi naman ako ganoon ka-bad. I still love Dennis and he is okay where he is."

Ikinuwento rin nito na nanliligaw muli ang kanyang asawa.

"He sends me chocolate and flowers and stuffs. Parang flower shop na nga ang bahay namin because Dennis sends me flowers na OA sa dalas."

Halatang kinikilig si Marjorie sa muling panlililgaw ng kanyang asawa, pero malinaw sa kanya na may mga bagay silang dapat baguhin ni Dennis.

"Dennis will always be a part of my life," diin niya. "He's out of town right now with our daughter for a show, or else he will be in my family's most important occasions. Kasama si Dennis sa mga Valentines, birthdays, anniversaries, until he finds a girlfriend."

Paano kung si Marjorie naman ang makahanap ng kanyang boyfriend?

"'Yon ang problema ni Dennis!" patawang sagot ni Marjorie.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates