Rhian Ramos conflict with Alessandra de Rossi

The incident happened when at the last scene for the day ni Rhian—who plays Umi (pronounced Yumi)—which took place before 12 midnight, sila ni Alex ang magka-eksena. While napu-pronounce naman ni Alex nang tama ang character name ni Rhian, noong actual take, nagkamali siya so she apologized and to lighten up, nagpatawa pa siya.

Bigla raw diumano binulyawan ni Rhian si Alex ng "Can't you try to be professional please! I'm working my ass off here!" sabay alis muna.

Few days later Rhian answered "Buong araw kaming magkasama ni Alex sa taping, parang birthday namin doon sa scene, e. From first to last, kami ang magkasama kaya kami ang magkabiruan. We were joking each other. Mahilig siyang mag-joke, di ba? Alam mo naman yung sense of humor niya," salaysay ni Rhian.

"Tapos kapag may nagkakamali, nagbibiro siya ng ‘Hoy, umayos ka nga, magbasa ka ng script!' Biro niya talaga ‘yon, siyempre, hindi ako na-hurt, nakitawa ako. Ganoon siya and talagang funny.

"May karapatan siyang mag-ganun kasi hindi siya nagkamali noong day na ‘yon. Pero nung last scene, nagkamali siya, tapos ibinalik ko sa kanya yung joke niya, ginaya ko yung sinabi niya, 'tapos natawa rin siya.

"Pero later on, parang nakita ko na ibinato niya yung cell phone niya three times. Ako, natahimik, parang nag-isip ako kung anong nangyari. Parang naisip ko na, di ba, nagtatawanan lang kami, 'tapos biglang may lumipad na cell phone? Parang ganoon, e."

So, ano ba ang totoong sinabi ni Rhian? "Can't you try to be professional please! I'm working my ass off here!" or ‘Hoy, umayos ka nga, magbasa ka ng script!' sino ang nasasabi ng totoo dito?

Well, alam naman natin about Alessandra’s attitude if Rhian has attitude problem ano naman kaya siya? Noong una, si Roxanne Barcelo at nanay nya ang inaalipusta ni Alessandra. Then hindi pa nakuntento at pati sarili niyang ina ay binabastos nya pati ang kapatid na si Asunta hindi nya pinatawad. Pagkatapos, si Jennylyn at Toni at ngayon naman si Rhian. With all the people she has conflicts with, I don’t think paniniwalaan ko siya this time. Mahilig siyang gumawa ng issue para lang mapag-usapan siya. Hindi ko alam bakit pinatagal kapa ng GMA7 management na maging artista sa network nila.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates