Movie, music and TV review.

Powered by Blogger.
Header Ads

Saturday, July 28, 2007

Wendy Valdez, bagong `burlesk queen'

0 comments
KAHIT hindi tinanghal na big winner ng PBB season 2 si tukayong Wendy Valdez, aba’y di hamak namang siya itong nagrereyna-reynahan among the housemates kung mga projects din lang ang pag-uusapan.

Halos regular na namin itong napapanood sa The Buzz at ASAP. Palibahasa’y singer ang bruha, obvious ang ganda ng exposure na naibibigay sa kanya kumpara sa ibang housemates. Tanggap na tanggap din ang loveteam nila ni Bruce Quebral, kaya’t kilig na kilig naman ang dating nila sa The Buzz.

Sa parehong Game Ka Na Ba at Deal or No Deal, ay humataw ang alaga ng katsika naming si Ambet Nabus at mukhang nagi-ging positive na rin ang pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Ang huling tsika sa amin ng kanyang manager ay ang pagkakaroon nito ng teleserye sa Dos, ang Margarita nga na magprepremiere na sa July 30 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Bongga ang Wendy. Pang-primetime talaga ang drama. Isang burlesk dancer ang role niya and as reported hindi ito remake o take-off mula sa klasikong Burlesk Queen movie ni Gov. Vilma Santos.

Makakasama niya rito sina Rio Locsin as her mother (trivia lang— si Rio Locsin ay na-introduce sa Burlesk Queen ni Ate Vi, at isang burlesk dancer din siya ru’n ), ang premyadong Eli-zabeth Oropesa bilang auntie niya, Joseph Bitangcol as her brother, at PBB celebrity edition big winner Keanna Reeves as her mentor.

Makaka-triangle nila ni Bruce Quebral si Diether Ocampo, kaya’t expect daw natin ang kakaibang kumbinasyon sa serye.

Bongga talaga si Wendy Valdez. She simply deserves everything that she is having now. Talagang nag-pay off na ang pagiging consistent niya sa pagiging totoo niya.

No comments: