Tinanong si Dennis, na naging leading man ni Angel sa maraming projects nito sa GMA-7, kung sa tingin niya ay posibleng si Marian ang pumalit kay Angel.
Sa nakikita kong pagbi-build up sa kanya ng network, posible ngang mangyari ‘yon. Very obvious na all-out ‘yung network para i-build up si Marian, lalo na ngayon na wala na si Angel. Sa tingin ko, deserving naman si Marian dahil talented siya, maganda, sexy... halos lahat na ng mga qualifications para maging next superstar nasa kanya, so hindi malabong mangyari na si Marian ‘yung papalit," pahayag ni Dennis sa presscon ng Kung Mahawi Man ang Ulap.
Ang leading man ni Marian sa Marimar ay si Dingdong Dantes, na gaganap bilang Sergio SantibaƱez. Since iisa ng manager nina Dennis at Marian, si Popoy Caritativo, hindi ba hiniling ni Dennis na siya ang maging partner ng leading lady sa Marimar?
"Hindi, e," sagot ni Dennis. "Kasi never naman kaming humiling ng project sa GMA. Kung ano lang ‘yung ibigay nila sa amin, kung ano lang ‘yung ibigay sa akin, personally, ‘yun ang tinatanggap namin."
Pero umamin si Dennis na nag-wish din siya na sana ay siya ang gumanap na Sergio.
"Maganda din sana ‘yon dahil siyempre, first ni Marian ‘yon. Gusto ko bilang kapatid niya sa [iisang] manager, suporta, di ba? Maganda ‘yon kasi kumportable na rin ako sa kanya, marami na rin kaming ginawa. Sana lang talaga," asam ni Dennis.
Kung hindi man nakuha ni Dennis ang role bilang leading man ni Marian sa Marimar, may bago rin naming palabas ang young actor—ang Kung Mahawi Man ang Ulap. Siya ang leading man ni Nadine Samonte rito.
Kahit na panghapon ang timeslot ng naturang soap opera, hindi raw inisip ni Dennis na demotion ito, kahit galing siya sa primetime block (Super Twins with Nadine and Jennylyn Mercado).
"Blessing ‘yon kasi after primetime, imbes na magpahinga ka, may ginagawa ka pa rin sa hapon, di ba? Hindi ka lang tatambay sa bahay," nakangiting paliwanag ng aktor.