Piolo Pascual, Hinipuan ni Ai-ai De Las Alas

Leo M. Bukas

SAGLIT na natigilan si Piolo Pascual sa pagkanta sa Pop Icons concert sa Araneta Coliseum nu'ng Biyernes ng gabi nang bigla dakmain ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang harapan.

Sa isang production number nina Piolo, Christian Bautista at Erik Santos, kinailangan nilang kumuha ng babae from the audience. Kapartner ni Christian si Garlic ng ASAP '09, si Direk Joyce Bernal naman ang kinuha ni Piolo at si Ai-Ai ang kay Erik.

Pero habang kumakanta ang tatlo, biglang tumayo si Ai-Ai at lumapit kay Piolo. Nu'ng una ay parang pabiro lang ang ginagawang pagtsansing ni Ai-Ai kay Piolo, pero nang kinalaunan, bigla na lang niyang dinakma ang harapan ng aktor.

Halatang na-shock si Piolo sa ginawa ni Ai-Ai kaya bigla itong napainom ng tubig. Gusto pa sanang ulitin ni Ai-Ai ang pandadakma kay Piolo pero gumawa na ng paraan ang aktor para makaiwas sa komedyana.

Na-offend kaya si Piolo sa ginawa ni Ai-Ai?

Anyway, maganda ang Pop Icons concert. Walang nagsapawan sa lima. Binigyan ng kani-kanyang moment ni Direk Rowell Santiago sina Erik, Piolo, Christian, Sam Milby at Mark Bautista. Panalo rin ang group singing nila na may mga blending.

Source: People's Tonight
---------

Ok lang kung si Ai-ai dahil alam naman natin si Ai-ai kung ano ang kanyang pwedeng gawin sa entablado at natatawa tayo... kahit pa seryuso or joke lang yun ok pa rin yun. Di na tayo kailangang magtaka when it comes to Ai-ai and I am sure ok lang yun kay Piolo kaya lang nabigla lang siya. Mas masagwa or scandalous kung si Direk Joyce Bernal ang nanghipo dahil hindi yun ang natural na Joyce Bernal.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates