Pinoy Dream Academy and Pinoy Idol, Drama Series na!

Palagi akong nanonood ng Pinoy Idol and Pinoy Dream Academy. Gabi2x talaga yun dahil gusto ko updated ako sa dalawang reality TV show, at may maikwento ako dito. Pero parang nawalan ako ng gana dahil imbes na ma entertain ako sa mga boses nila dahil singing contest nga eh akalin mo pilit pa nilang gawing Drama series? OMG! as in kadramahan lang talaga makikita mo sa dalawang show. Nandoon na yung mga awayan with fellow contestants, nandoon din yung umiiyak dahil nami-miss na ang kapamilya at mahal sa buhay, at yung pinakakainisan ko ay yung mag ku-quit sa competetion dahil ganito, ganyan...

Hay naku! ginaganahan pa naman akong manood ng Idol dahil nandoon ang kababayan kong si Ramon "Ram" Chavez na magaling talaga at sa PDA gusto ko ang Boses ni Jay Bogayan aka Bugoy. Pero pwede ba nilang tanggalin nalang ang dramahan sessions nila? di ko na ma-take ang mga iyak-iyakan at pagku-quit dahil hindi ito Maalaala Mo Kaya or Magpakailan man... dapat sana masaya dahil kantahan ito.

Pero sige, palalagpasin ko pa to at patuloy pa rin akong manood dahil di naman lahat nag dadrama... Basta sa Pinoy Idol, Ramon Chavez iboto nyo at sa Pinoy Dream Academy ay si Bugoy. Silang dalawa lang ang sa tingin ko magaling at may talento sa pagkanta.

We will see later kung ano na nga ba talaga ang bago sa dalawang Talent search reality TV. But still di ko pa rin gusto ang mga comment ni Wyngard Tracy... sana naman sasabihin niya kung ano talaga ang nasa puso nya, kasi feeling ko parang he just being mean to be mean nalang... at hindi talaga yun ang nasa puso niya... huwag na sana siyang mag pa effect na tiger judge, di bagay sa kanya ang magiging Simon Cowell ng Pinas... Iisa lang si Simon Cowell at si Wyngard Tracy ay si Wyngard Tracy hindi siya si Simon.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates