Katrina Halili produces coffeetable book to promote tourism and art


Aminado ang sexy young actress na si Katrina Halili na isang malaking sugal ang kanyang pagpu-produce ng sarili niyang coffeetable book. Dito, ipapakita niya raw ang lahat ng kanyang makakakaya bilang isang sexy model. Pangarap daw kasi ni Katrina ang ma-feature sa ganitong klaseng babasahin.

"Kasi nung bata pa ako, mahilig akong tumingin ng magazines. ‘Tapos ngayon nagshu-shoot ako na ako ng FHM, ‘tapos nakahiligan ko na rin siya. Naisip ko, bakit hindi ko gawin," kuwento ni Katrina sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Boracay Island ang napiling location ni Katrina sa kanyang unang layout. Sa isang cove malapit sa Station 1 ng Bora naganap ang pictorial. Hindi maikakaila na nakikipagsabayan ang kaseksihan ni Katrina sa ganda ng lokasyon.

Isang sea goddess at isang socialite shipwreck survivor ang drama ni Katrina sa kanyang unang mga layout. Kitang-kita sa mga larawan kung gaano walang-takot na nagpa-sexy si Katrina.

"Lahat ng ginagawa ko, paiba lang siya nang paiba. Pero basta iba ito, surprise na lang, hintayin na lang nila. Ayoko na lang ikuwento basta mas sexy," pagbibida ng StarStruck Batch 1 Avenger.

Tinatayang si Katrina ang kauna-unahang magre-release ng isang coffeetable book sa kanyang henerasyon. Dahil dito, kinakabahan daw siya dahil sa expectation na rin ng mga tao.

"Nakakatakot din, pero mas nae-excite ako. Nae-excite talaga ako kasi gustung-gusto ko siyang gawin," bulalas ni Katrina.

Umpisa pa lang daw ang Boracay, dahil lilibot daw si Katrina sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ipapakita niya raw sa kanyang coffeetable book ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates