Paolo Ballesteros willing to do love scenes with Dennis, Rustom, and Piolo

Hindi maikakailang maganda ang hubog ng katawan ng young actor na si Paolo Ballesteros. Kung may offer nga raw sa kanya ang Cosmopolitan Magazine para sa isang sexy pictorial ay papayag siya agad.

"Pag okay na yung katawan ko... pag FHM, okay lang din. Joke!" nagbibirong sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Zaido: Pulis Pangkalawakan ng GMA 7 kung saan gumaganap siya bilang kontrabidang transvestite na si Ida.

Ayon pa kay Paolo, papayag daw siya kahit sobrang daring ng pictorial, gaya ng ginawa ni Dingdong Dantes sa Cosmo pictorial nito kung saan pumayag siyang maghubad.

Dahil sa pagganap niya bilang transvestite sa Zaido, hindi ba natatakot si Paolo na ma-typecast sa ganitong klase ng roles at panay gay roles na lang ang i-offer sa kanya sa susunod?

"Basta malaki yung bayad, okay lang. Hanggang sa mabayaran ko yung bahay ko, okay lang!" nakatawang sagot ni Paolo.

Papayag rin daw siyang gumawa ng isang pelikula na may love scene siya sa kapwa niya artistang lalake, gaya sa acclaimed Hollywood film na Brokeback Mountain starring Heath Ledger and Jake Gyllenhaal.

"Basta pogi yung ka-love scene ko!" tawa ni Paolo.

Kung saka-sakali, sinong tatlong male stars ang papayag siyang magkaroon ng love scene sa pelikula?

Tumawa muna siya bago sumagot. "Sino ba? Si Dennis [Trillo, co-star niya sa Zaido], kasi magaling na artista ‘yan... Si Rustom [Padilla], kasi siyempre alam na niya kung paano ang ano, di ba? At least, matuturuan ka," game na sagot ni Paolo.

Si Piolo Pascual ang pangatlong pangalang napili ni Paolo.

"Piolo ‘yon, mahusay na artista! Choosy pa ba ako?" natatawang sabi ng co-host ng Eat Bulaga.

What about a sexy project with Uma Khouny na na-link dati kay Paolo? Halimbawang isang indie movie na lovers ang roles nila at may love scene?

"Okay lang, kasi kaibigan ko naman si Uma, kaya walang malisya ‘yon. So okay lang," sagot naman agad ni Paolo.

Kahit na tinanggap ni Paolo ang role bilang Ida sa Zaido, hindi naman nangangahulugan na tuluyan na siyang nagladlad gaya ng hinala ng iba. In fact, isang non-showbiz female friend ang nililigawan at constant date ni Paolo ngayon.

In fairness, ang ganda ni Paolo sa Zaido... Careerin muna yan Paolo...

Zaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis PangkalawakanZaido: Pulis Pangkalawakan
Photos Grabbed from Lovi Poe's Multiply Gallery

1 comment:

irish said...

i think this is perfect for paolo..

http://www.youtube.com/watch?v=f_hBvJkY9oQ

im an avid fan of qaf

INSTAGRAM FEED

@soratemplates