KC Concepcion shares stories about her half-sisters and her diet


PEP - "This is the most exciting thing that happened to me. More exciting than my four-year stay in Paris," nakangiting sabi ni KC Concepcion when asked kung ano ang feeling niya na siya na ang bagong endorser ng Bayo.

"It's a dream come true for me dahil Filipino brand ito that caters to the Filipinos. When they approached me, I really loved it. Mga cousins ko, nagsusuot na nito. Ako kahit mag-visit lang sa stores nila noon, hindi puwede. But now, hindi pa ako endorser, ito na ang isinusuot ko sa Paris, ipinagmamalaki ko ito. Now, I can wear them all," dagdag na pahayag ni KC sa launching ng pagiging endorser niya ng Bayo kahapon, September 20, sa Discovery Suites.

After ng launch ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC. Nagulat siya kung paano namin nalaman na binigyan niya ng Balenciaga gown ang kanyang ina na si Sharon Cuneta. Nabanggit kasi ng Megastar sa story conference ng kanyang pelikulang London Caregiver kung ano ang iniregalo sa kanya ng anak.

"Wala lang po, pasalubong ko lang ‘yon sa kanya," tila nahihiya pang sabi ni KC. "Sabi kasi niya, gusto niyang ma-inspire sa ipasasalubong ko. Alam ko pong magugustuhan niya ‘yon. Binili ko po ‘yon sa main store nila [Balenciaga] in Paris a day bago ako bumalik ng Pilpinas. Walang name ‘yong store nila, hinanap ko pa."

Samantala, ibinalita ni KC na magkakaroon ulit siya ng Artists Garage Sale kapag dumating na ang 55 boxes ng gamit niya na ipina-ship niya sa Pilipinas from Paris. Iniuwi raw niya lahat ng mga gamit niya sa Paris sa loob ng apat na taong pamamalagi niya roon.

KC'S HALF-SISTERS. Inalam din ng PEP kay KC kung may communication siya sa mga kapatid niya sa Daddy niyang si Gabby Concepcion.

Kuwento ni KC, "Si Chloe [anak ni Gabby kay Jenny Syquia], sinulatan niya ako noong nasa Paris ako. Nahanap daw niya ang address ko at ipinagmamalaki niyang nasa Sweden sila noon. She speaks fluent English. Nagpadala siya ng pictures sa akin, she's so cute. Kaya lang, hindi ko na siya nasagot kasi nawala ko ‘yong address niya. Naglipat kasi ako ng bahay at nawala ‘yong wallet na may address niya. Nanawagan nga ako sa mga friends ko na baka sakaling may nakakakilala kay Chloe o kay Tita Jenny.

More>>>

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates