Coverage of Angel Locsin in London to air in ABS-CBN's "The Buzz"

PEP - Kaninang madaling-araw, July 28, ipinadala sa Pilipinas ang isang ekslusibong coverage ng ABS-CBN news correspondent sa London na si Jean Alcantara. Dito mapapatunayang nasa London talaga si Angel Locsin at tahimik na nag-aaral doon.

Dalawang araw sinundan ng ABS-CBN correspondent si Angel, pati ang pagpasok niya sa London College of Assumption, kung saan kumukuha siya ng crash course on fashion design. Mapapanood ang coverage sa talk show ng ABS-CBN, The Buzz, bukas, July 29.

Lilinawin din ni Becky Aguila, manager ni Angel, ang mga latest intriga tungkol sa young actress, gaya ng abortion, sex video, at ang pilit na pagli-link sa alaga niya sa anak ni Lucio Tan na si Joel Tan. Sinasabi pa na si Joel ang financier diumano ni Angel sa itatayo nitong clothing business.
Pero ayon sa isang taong malapit kay Angel, ang tunay raw na kasosyo ni Angel sa itatayong sports wear line ay sina Joel Santos ng East Asia Entrepreneurship College na dating Thames College sa Libis, at sina Jed Santos and Camille Aldeguer ng Island Souvenir.

May tsismis din na ang ABS-CBN daw ang sumagot ng trip at pag-aaral ni Angel sa London. Pero nilinaw ni Becky sa ipinadala niyang text message sa PEP na sila lang ni Angel ang nasa London at walang support from anyone. May kinalaman daw talaga ang trip nila sa sportswear line business na itatayo ni Angel at ilu-launch sa October.

May nagsasabi rin na sinundan diumano si Angel ng ex-boyfriend nito na si Oyo Sotto sa London, pero pinabulaanan din ito ni Becky. Wala rin daw boyfriend o manliligaw si Angel na nakikita niya doon.

"Pero beautiful talaga si Angel," sabi ni Becky. "All guys and gals are taking a second look at her. Remember, di siya kilala dito but people notice her presence. Ganda rin ng mga tao dito. Pati maids and bellboys artistahin [ang] dating nila.

"Beautiful country with full history restored. Kind and friendly people with nice accents. Expensive lang. Regarding school, nasunog yesterday pero naagapan naman agad. Nothing to worry. Nag-ala Darna si Angel."

Samantala, nakakuha ang PEP ng reports na umalis diumano ng bahay niya last night si Jennylyn Mercado, ang isa sa mga alaga ni Becky na nasa GMA-7. Nag-iiyak daw kasi si Jennylyn dahil sa sama ng loob nang malaman niya na hindi na siya kasama sa uumpisahang show ng GMA-7, ang Pasan Ko Ang Daigdig. Sinabihan pa raw ng isang GMA-7 executive si Jennylyn na magkakaroon lang siya ng maraming projects kung magpapa-release siya kay Becky.

Dahil dito, posibleng bumalik na agad si Becky sa Pilipinas at iwan na muna si Angel sa London since nasa loob naman ng convent ang young actress. Baka personal na munang asikasuhin ni Becky ang problema ng iba pa niyang talents na nasa GMA-7, gaya nina Valerie Concepcion, Charee Pineda, at Charming Lagusad.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates