Bruce Quebral: Wendy Valdez, masarap parang alak

Sa Lunes na, July 30, magsisimula ang bagong teleserye sa primetime bida ng Dos titled Margarita, ang pinakamalaking showbiz break ng PBB2 couple na sina Wendy Valdez at Bruce Quebral with Diether Ocampo completing the love triangle.

Sa preskon ng Margarita last week, parehong sinabi nina Wendy at Bruce na hindi pa sila mag-on at hindi pa committed sa isa’t isa, pero hindi naman dinedenay na mahal nila ang isa’t isa.

Basta ganu’n lang, no commitment, no nothing. Just loving each other, no period, no comma.

Tinanong ng yours truly itong si Bruce kung para sa kanya, si Wendy ba ay parang isang alak na habang tumatagal ay sumasarap, binabalik-balikan?

Matamis ang pagkakasagot nito ng “Yes po.”

Kung sabagay, ang Margarita is a sosi lady’s drink na manamis-namis at maalat-alat ang lasa with matching sipsip agad ng kalamansi para may asim ang sarap.

Dancer-showgirl ang papel dito ni Wendy, tipong Burlesk Queen.

Tinanong namin itong si Wendy kung hindi ba siya ma-o-offend kung sakaling tuksuhin siya at kantahan ng nausong kanta noon para kina Divina Valencia at Stella Suarez? Ang magiging bagong lyrics nga lang ay something like... “Si Wendy Valdez ... nagbu-burles!”

“Tita, hindi ko po alam ’yung song na ’yon, hindi ko po inabutan. Pero, kung kakantahin po ako’t mauuso uli, flattered po ako, kasi ibig sabihin, napapansin po ’yung pagganap ko. Hindi po siya offensive para sa akin,” natatawang sabi ng bagong showgirl ng Kapamilya Network.

Makakasama nga pala nina Wendy, Bruce at Diether sa Margarita ang mga batikang artistang sina Rio Locsin, Dick Israel, Noni Buencamino at Dexter Doria. Tampok din sina Keanna Reeves, Joseph Bitangcol at ang mga bagets na sina Sharlene San Pedro at John Manalo, na ang overall in charge of production ay si Deo Endrinal with matching tatlong directors na sina Erick Salud, Trina Dayrit and FM Reyes.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates