Uma khouny, Natanong na naman about his Sexuality

Pagkakita ni Osang kay Uma sa booth ng radio station sa program na Showbiz Mismo sa DZMM last June 27, napabulalas ito ng ‘Uy, nakita rin kita!' Ito yata kasi ang unang pagkakataon na nakaharap ni Osang nang personal si Uma.

After nito ay buong-ningning na sinabi ni Osang na crush niya dati si Uma. Dahil dito, hinayaan ng mga hosts na mag-interbyuhan ang dalawa.

Nang tanungin ni Uma kung bakit hindi na siya crush ngayon no Osang, ang isinagot ng aktres ay dahil sa Bible na raw kasi lagi nakatutok ang atensiyon niya. Halatang flattered naman si Uma nang nalamang crush siya dati ni Osang.

Nang nagsimula nang magpa-cute si Uma sa aktres, walang prenong tinanong ni Osang si Uma kung bisexual ba ito. Sinagot naman ni Uma ng ‘Hindi!' ang tanong ni Osang.

"Naku, paano ‘yan, bi ako!" ang pakli ni Osang.

Game na game namang sumagot si Uma ng, "Okay lang kahit tatlo tayo. Dalawa kayong babae."

Halatang naniwala si Uma sa biro ni Rosanna na bisexual nga ang aktres. Nang seryosohan nitong tanungin si Osang kung bisexual nga ito, sumagot si Osang na hindi. Nagbibiro lamang daw siya at ang ibig niya raw talagang sabihin ay Bible.

Read More>>>

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates