Another Message to ABS-CBN

I just want to make a point sa lahat ng nahuhumaling sa pbb, specifically, and sa lahat ng "talent-search/contest" shows ng abs-cbn,in general. Like you, I was once an avid viewer of Pinoy Big Brother since pero I was turned off because of the first-hand facts i have known...
From the very start pa lang i have been hearing of rumors na "nagfifixed" ng magiging winners sa mga talent shows nila yung abscbn. From the start pa lang ng mga talent shows na ito, they would know kung sino na magiging winner. Like yung mga singing contest nila and the like.. A very valid information came to me one time when i've talked to a dancer from A.S.A.P. I would not divulge his name, pero nakilala ko sya one time during an interview sa inaaplyan naming trabaho sa isang "known" company sa Pasay. Do you still remember yung "Search for a Star in a Million" ba yun, where Kris Lawrence became the ultimate champion? Would you believe, marami pa silang contestants noon pinapanood ko yun, tapos he told me na magiging champion si Kris Lawrence doon kasi alam na nila mga taga abscbn yun. True to the fact naging champion nga si Mr. Lawrence. From then on, nagkaroon na ako ng doubts sa credibility ng mga talent shows nila...

Pero dahil sa pagiging tunay na kapamilya ko, i still watched pbb. Pati mga uplates nila and even yung mga pbb shows sa channel 23 pinapanood ko.. But little by little nawalan na ako ng gana sa PBB. Alam nyo ba yung nangyari sa first season ng pbb. Di ba lumabas na rin dun yung isyu about uma,and sam ba yun o cass, na kesyo di sila nag-audition and matagal na sila sa abscbn. kaya pinalabas pa nila yung mga audition tapes nila uma and cass. pero naman di ba, pwede naman sila papuntahain sa mga scheduled audition ng pbb and kunan ng mga vtr pero for formality sake na lang yun, pero in truth sure ball na sila na makakapasok dun...kasi nga naman may kapit na sila sa loob.. Na-validate yung doubts ko nun nung makapasok si bam sa teen edition.. Kilala ko yung napangasawa ni dimples romana na sister ni bam. I know na ninong ni dimples and boyet ahmee(hubby ni dimples)si lauren dyogi sa kasal.. Kailangan pa ba tanungin kung paano nakapasok si bam... Si kim chiu, tanungin mo nga mga taga abscbn kung di nila alam before hand na mananalo yun tapos pinartner pa nila kay Mr.anderson, ano nga name nun nakalimutan ko na... Di ba nga naman ang lakas ng loveteam nila kaysa doon kay genius boy mikee. Syempre kailangan nilang gawin yun, kailangan paglapitin si kim kay mr.anderson para bilhin lalo nyung loveteam nila paglabas..

Tapos ngayon may isyu na naman tungkol kay wendy. Halata bang updated pa rin ako.. :) Paano yan lagi na lang ba may isyu ng credibility lahat ng talent shows nila.. One saying says if there is smoke there is fire... And sigurado ako if there's a lot of it, malaking sunog na yan....
Hindi ako magtataka kung manalo pa si wendy pero sigurado ako sinama nila si wendy sa big 4 para tumabo pa sila sa mga text votes nyo... At malamang din na magdamage control sila at hindi panalunin si wendy dahil sa sobrang daming negative feedback...

I have nothing against sa abscbn and sa mga shows nila... Sa kanilang tv station yun they have the right to make ways and means para kumita ng malaki tutal thats business and that's their main goal,, to profit and make it big!!!Ang ikinalulungkot ko lang and ikinagagalit ko na rin is their way of making profit at the expense of others..Patawarin naman sila, nakakita na ba kayo sa mga audition ng pbb. Kung makikita nyo lang kung gaano kadami sila and gaano kasiksikan... And I have many friends na sumali and nag-audition sa pbb, kaya alam ko kung gaano sila nahirapan..Hindi ba naaawa yung mga taga abscbn sa mga taong ito!!!!PAti yung mga mahihirap na nagtetext kung ilang beses para bumoto... pambili na lang ng bigas nila ipapangtext pa para suportahan yung taong nakakasalamin nung buhay at pag-asa nla...Di ba naaawa yung abscbn dito...Siguro nga may credibility issue na ngayon yung pbb kaya nga sinali pa nila sa kalokohan nila yung auditing firm na SGV,para mawala kahit konti yung doubts ng mga tao.. (damage control mode na sila)

Ngaun,, i challenge abscbn to dispute all the claims i have here!!! Pakiforward na lang para makarating sa mga taga abscbn... Let us see kung sagutin pa nila ito!!!

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates