Aljur Abrenica nagka problema sa taping niya sa Mga Kuwento Ni Lola Basyang

Ayun sa balita nagsumbong daw itong si Aljur sa manager nitong si Rommel Gacho na sinigaw-sigawan diumano ng assistant director na si Rado Peru si Aljur at tinawag ding bakla. Kaya tumawag itong manager ni Aljur sa executive producer ng Lola Basyang. Pero iba pala raw ang nakarating na balita sa manager nito.

Ayon sa mga nandoon, kung masigawan man daw si Aljur ni Rado, hindi naman daw ito personal, trabaho lang. For the record daw, walang na-take one si Aljur sa lahat ng scenes niya for his Lola Basyang episode na "Ang Kapatid Ng Tatlong Maria."

Hindi rin daw totoo na tinawag ni Rado si Aljur na bakla. Dahil may kahinaan ang boses ng bata, pinalakas ito para mahagip ng kanyang lapel with a comment na "ang lamya-lamya mong magsalita, parang bakla."

kaya pinagsabihan itong si Aljur ng manager niya na kung mahina man daw ang loob nito, huwag nalang daw siyang mag artista, at ito ang dahilan at napaluha ang GMA's Starstruck 4 Ultimate hunk.

Sa interview sinabi nalang ni Aljur na "Bago pa po kasi ako, marami pa akong hindi alam." Yun naman pala eh, mabuti naman at mabait na bata itong si Aljur at hindi naging katulad ni sino nga ba yun? naka limutan ko na yata pangalan nung winner din ng isang reality contest sa ABS-CBN na Star Circle Quest, na dahil sa lumalaki ang ulo at biglang nawala na parang bula sa showbiz. Huwag na nga natin yung banggitin walang kwenta naman yun eh. Kaya para kay Aljur sana pag butihan nalang niya ang career niya at di natin alam magiging susunod na Hero Angeles ka este Boyet De Leon pala.

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates