Gladys Guevarra reveals text messages from Janno Gibbs

Tuloy pa rin ang sagutan sa pagitan nina Gladys Guevarra at Janno Gibbs sa kani-kanilang mga interbyu sa telebisyon. At kahapon, Mayo 5, muling lumabas si Gladys sa Startalk upang depensahan ang kanyang sarili.

Nagsimula ang alitan sa pagitan ng dalawang komedyante at singers dahil sa panggagamit diumano ni Janno ng pangalan ni Gladys sa mga jokes nito sa gag show na Nuts Entertainment at sa live gigs niya sa comedy bars. Bukod dito ay ang pag-aakusa diumano ni Janno kay Gladys na siyang naglabas na nagbigay ang singer-comedian ng Hello Kitty stuffed toy sa EB Babe member na si Lian Paz.

Bago umalis patungong US si Gladys noong nakaraang buwan ay naglabas siya ng kanyang sama ng loob kay Janno. Ipinakita rin ni Gladys ang text message sa kanya ni Janno na nagsasabing, "Huwag kang magmalinis."

"Nakikiusap na ako sa kanya [Janno], sabi ko tigilan na niya. Napanood ko yung Nuts [Entertainment, Janno's gag show on GMA-7. Lagi niya akong tinitira sa Nuts. Ano ba'ng personal na galit sa akin ni Janno Gibbs? Hindi ko naman siya inaano. For me, ha, hindi na biro ito... Sorry, ha, I have to say this [to Janno], masyado ka nang nakakatapak," Gladys said in her interview with S-Files aired last April 15. Read More>>>

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates