Judy Ann Santos hindi Box-Office Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation

MARAMING fans ni Judy Ann Santos ang nagulat kung bakit hindi ang aktres ang pararangalang Box-Office Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation since alam naman ng lahat kung gaano kalaki ang inakyat na pera ng dalawang pelikula nito last year, ang Don’t Give Up On Us with Piolo Pascual at Kasal, Kasali, Kasalo with Ryan Agoncillo, both from Star Cinema.

As we all know, ang pararangalang Box-Office Queen ay sina Kris Aquino and Claudine Barretto for Sukob at ang Box-Office King naman ay si Vic Sotto for Enteng Kabisote 3.

Sabi ng nagugulimahanang fans, baka raw bumangon sa hukay si Mr. Guillermo Mendoza dahil sa nangyayaring kababalaghan.
Maging ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo ay nagtataka kung anong milagro na naman ang naganap.

It’s a known fact na natalo ng KKK ang EK3 sa takilya, pero sa halip na si Ryan ang parangalang Box-Office King, si Vic ang napili.

“Natatawa lang ako kasi ano naman ang batayan nila? Lumutang talaga ang kawalan nila ng kredibilidad. Everbody knows top grosser ang KKK over Sukob, eh, may Don’t Give Up On Us pa si Juday.

More>>>

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates