James Yap's camp pleads with "Startalk" not to air Hope's interview

Nakatanggap ng tawag sa telepono kahapon, February 21, ang Startalk staff mula sa isang tao na malapit sa basketball player na si James Yap.

Ipinaabot ng caller ang pakiusap ni James na huwag nang ilabas ang exclusive at explosive interview kay Hope, ang babae na lalantad sa Startalk sa Sabado, February 24, para sabihin ang mga detalye ng 10-month long relationship nila ng asawa ni Kris Aquino.

At press time, wala pang desisyon ang management ng Startalk kung pagbibigyan nila ang pakiusap ni James, na nangako na tatanawin nito na malaking utang na loob kapag hindi itinuloy ang airing ng exclusive interview kay Hope.

Bagama't pinatawad na ni Kris si James—sa kagustuhan na rin ng TV host-actress na mabuo ang kanilang pamilya lalo pa't isisilang na niya ang kanilang unang anak ngayong Mayo—inaasahan na mas lalaki pa ang isyu tungkol sa marital problems nina Kris at James dahil sa gagawing paglantad ni Hope sa Startalk.

Inamin na rin ni Cristy Fermin sa mga columns nito sa mga tabloids na may tampuhan sila ni Kris at may kinalaman pa rin dito ang nabulgar na relasyon nina James at Hope. Kasamahan ni Kris si Cristy sa The Buzz, isang showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.

More...

No comments:

INSTAGRAM FEED

@soratemplates